Home » Archives » December 2008
Tula-la
December 16, 2008para saan pa ang mga tanong, kung wala rin namang maisasagot
mga pangakong napako, mga ala-alang matagal ng limot
sa ala-ala’y bumabalik sa bawat tingin, sa bawat sulyap
anong misteryong bumabalot, na parang banana ketchap?
maghapong nakabantay, nananabik sa tawag mo
sa bawat galaw ng bibig, tinig ng pag ibig -mundo ko ay nasa slomo
pagsapit ng dilim pati sa paghimbing, panaginip ang iyong lihim
pagpatak ng umaga lilipas ang oras sa psp slim
kung alam ko ang daan, hindi na ako magtatanong
minsan ako’y naligaw, at nagtanong sa isang manong
wari ko’y ’sumagot ka ng maayos kung ayaw mong masaktan!’
san’ ang daan papuntang buhay ng walang hanggan?


