Home » Archives » 25. February 2007
Kung wala ka
February 25, 2007Kasabay ng pagsara ng pintuan ng kwarto ang pag luha ng langit. Ang maghapong kulimlim ay humatong sa nakabibinging tagatak ng tubig sa lumang yero. Ilang araw naring mainit at mahalumigmig ang hangin. Kapara ng damdaming mabuway, sa bawat pintig ng puso bumibilis ang daloy ng dugo. Nasan ka kapag kailangan kita?
Kamusta kana? - kaysarap sambitin ang mga katagang sandamukal ang ibig ipahiwatig. Sa harap ng birhen, ako’y mistulang asong may rabis. Halimuyak na sumisiid sa kaibuturan ng pandama at ang ngiting pumukaw sa nahihimbing na damdamin - kailan ko kaya muling masisislayan? Sino nga ba ang hindi mababaliw sa panahong ipinagkait? Ngunit sa aking katinuan ako’y bumabalik, kapag ang tinig mo’y narinig.
Tang ina naman. Di na ako natuto. Permanent ink na naman ang pinansulat ko sa puting pisara. Teka, walang koneksyon pero meron. Parang masaya na malungkot. Kontento pero may kulang. Maayos pero pangit. Nasaan ka kapag kailangan kita? Hinihintay ko ang pag baba ng birhen sa pedestal, para tuklasin ang misteryong bumabalot. Habang ang iba’y magkayakap sa ilalim ng pulang silaw, sa dilim ako’y naghihintay. Brownout.


